Bus pinasabog: bebot, todas 32 pasahero nasugatan...

Police line

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang babae habang umaabot na sa 32 katao ang nasuga­tan  makaraang sumabog ang bomba na itinanim sa loob ng isang pampasaherong bus sa Labuan terminal, Zone 1, Zamboanga City kahapon.

Sa ulat na nakarating kay  SPO2 Alex Mabalot, Public Information Officer ng Zamboanga City Police, dakong alas-2: 25 ng hapon nang maitala ang pagsabog sa loob ng Biel Transit na may body number 1641  sa Morga Compound, Calixto Street, Zone 2 ng lungsod.

Ang mga biktima na pasahero ay mabilis na isinugod sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod  kung saan isang hindi pa nakilalang babae  na tinatayang nasa 20-anyos ang nasawi.

Ang nasabing bus ay galing Brgy. Labuan at kararating lamang sa nasabing terminal at kasalukuyang nagbaba ng mga pasahero ang bus nang sumambulat ang bomba na itinanim sa loob nito ng hindi pa natukoy na mga suspek.

Ang insidente  ay lumikha rin ng sunog sa loob ng bus kung saan nagresponde ang mga bumbero at maging ang Scene of the Crime Ope­ratives  (SOCO) team na ikinordon ang lugar.

 

Show comments