Dalaga hinoldap na, ni-rape pa

MANILA, Philippines – Masaklap na kapalaran ang sinapit ng 18-anyos na kawani ng pabrika ng pagkain matapos itong holdapin ay ginahasa pa ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa  bahagi ng Barangay Pantoc, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga.

Itinago ang pagkakakilanlan ng biktima sa pangalang Anabel ng Nutri Asia Mega Plant at nakatira sa Brgy. Pantoc sa nabanggitna lungsod.

Pormal na kinasuhan ang naarestong 30-anyos na suspek na si Dennis Durot ng Meycauayan Industrial State sa Barangay Iba sa nasabing lungsod.

Sa  police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, lumilitaw na papauwi ang biktima  mula sa trabaho nang harangin at holdapin ng suspek na armado ng patalim.

Hindi pa nakontento sa pera at personal na gamit ng biktima ay  kinaladkad pa ng suspek ang babae sa madamong bahagi saka isinagawa ang panghahalay.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay namukhaan siya ng biktima kaya kaagad na nasakote ng pulisya sa pangunguna ni P/Senior Insp. June Tabigo-on.

Nasamsam sa suspek ang mga personal na gamit ng biktima  at ang patalim na ginamit nito.

Show comments