Mangingisda tinamaan ng kidlat sa dagat

MANILA, Philippines - Patay na nang maiahon sa dagat ang isang ma­ngingisda ng mga kabaro nito matapos mahulog nang tamaan ng kidlat  habang nasa gitna ng karagatan sa Maragondon, Cavite kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Narciso Ulaye, 63, ng Brgy. Sta. Mercedes.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga ay sakay ang biktima kasama ang limang iba sa bangka para mangisda nang biglang kumidlat nang sunud sunod hanggang sa tamaan ito.

Tumalsik ang biktima na nahulog sa kaniyang bangka na agad naman na sinisid ng mga kasamahan pero bumulusok sa malalim ang katawan nito kaya agad na humingi ng tulong sa mga diver sa lugar.

Matapos ang ilang oras ng paghahanap ay naiahon din ang biktima pero wala na itong buhay.

 

Show comments