Tolentino kapit-tuko sa puwesto

MANILA, Philippines - Tila bingi sa mga panawagan ng iba’t ibang grupo si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino nang ihayag nito na hindi siya  magbibitiw sa puwesto.

Sinabi ni Tolentino na hindi muna siya magbibitiw bilang pinuno ng MMDA dahil  mag-uusap muna sila ni Pangulong Noynoy Aquino dahil dito nakasalalay ang kanyang desisyon bukod pa sa kanyang magulang.

Magugunita na inuulan ng batikos ng publiko si Tolentino dahil inutil ito sa pamumuno sa MMDA dahil lalo naging matrapik ang Metro Manila.

Kaya’t nagdesisyon kamakailan si Pangulong Aquino na ilipat sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pagmamando sa kahabaan ng EDSA.

Show comments