^

Police Metro

Abogado na babaero, dinisbar

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatawan ng disbarment ng Supreme Court ang isang  abogado na napatunayang  nambababae.

Batay sa unanimous decision ng SC ay inaprubahan ang rekomendasyon ng IBP Board of Governors laban kay Atty. Ian Raymond Pangalangan na napatunayang guilty sa gross immorality at paglabag sa Section 2, Article 15 ng 1987 Constitution na tumutukoy sa kahalagahan ng kasal.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ni Atty. Roy Ecraela noong 2007 kung saan sinabi nito na  mula 1990 hanggang 2004, papalit o kung minsan pa ay pinagsasabay-sabay ni Pangalangan ang pakiki­pagrelasyon sa mga babae na ang ilan pa nga ay kasal o may-asawa.

Kasama umano sa mga nakarelasyon ng inireklamong abogado ay ang asawa mismo ni Ecraela. Mismong si Pangalangan ay mayroon din umanong asawa na maituturing na malpractice gross misconduct at gross immorality na paglabag sa Lawyer’s Oath.

Kaya’t iniutos ng Korte Suprema na alisin sa Roll of Attorneys ang pangalan ni Pangalangan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BOARD OF GOVERNORS

ECRAELA

IAN RAYMOND PANGALANGAN

KORTE SUPREMA

PANGALANGAN

ROLL OF ATTORNEYS

ROY ECRAELA

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with