74-anyos pedicab driver, nilikida

MANILA, Philippines – Bulagta ang 74-anyos na pedicab driver matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa bisinidad ng Arong Village, RH 4 sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Consihano Plasabas Hagimit habang su­gatan naman ang isa pang pedicab driver na si Justine Rey Muñoz Galang na tinamaan ng ligaw na bala ng cal. 45 pistol.

Lumilitaw na namamasada ng kanyang pedicab ang biktima nang harangin at ratratin bandang alas-6:50 ng gabi.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo at isang slug ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments