MANILA, Philippines - Nakatakdang magsampa ng motion for reconsideration si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Korte Suprema kaugnay ng ginawang pagpabor nitong makapagpiyansa si Senador Juan Ponce Enrile sa kaso nitong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.
Bagamat wala namang binanggit si Morales kung kailan mag-aapela sa Korte Suprema ay tikom naman ang kanyang bibig na magsabi sa anumang epektong maaaring idulot sa ginagawang pagbusisi ng Ombudsman sa ginawang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Enrile ng P1.4 milyon para sa kasong graft at plunder dahil sa ito umano ay matanda na at may karamdaman.
Agad naman itong pumasok na sa kanyang trabaho at sinasabing mistulang wala naman itong sakit nang pumasok sa Senado.
Si Enrile ay kapwa akusado nina suspended Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa kasong graft at plunder may kinalaman sa pork barrel scam.