^

Police Metro

SALN ni Trillanes kinuwestiyon

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Explain before you complain”.

Ito ang hamon ni Atty. Rico Quicho, spokesperson for political affairs of Vice President Jejomar Binay kay Senador Antonio Trillanes matapos na madiskubre nila ang kaduda-dudang P600,000 tulong mula sa mga kaanak nito na nakalagay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2013 at 2014.

“Nakita namin yung SALN ni Senator Trillanes at may nakalagay doon na P600,000 assistance from relatives. Bakit pa sya tumatanggap ng assistance from relatives? Sino ba itong relatives na ito?” tanong ni Quicho.

Sinabi pa ni Quicho sa Kapihan Forum na ginawa sa Anabel’s Restaurant sa Quezon City kahapon na ang nasabing  malaking halaga ay kinokunsiderang donasyon at ang halaga na mahigit sa P500,000 ay dapat may donor’s tax. “Nagbabayad ba ng donor’s tax at bakit pa kailangang bigyan ng P600,000 si Trllanes dahil  ba kulang pa sa kanya ang kinikita niya bilang senador?” tanong uli ni Quicho.

Bukod dito ay may isyu pa kay Trillanes sa pagkuha ng mahigit 60 consultants na dapat nitong ipaliwanag.

Dapat anya bago magreklamo si Trillanes ay dapat nitong ipaliwanag ang kanyang SALN na  kailangan nitong ipasa batay sa batas sa ilalim ng Article XI Section 17 ng 1987 Constitution  at Section 8 ng Republic Act No..6713, ang  “code of conduct and  ethical standards for public officials and employees.

Ngayon ay panahon ng survey kailangan kang mag-ingay para mapansin ka tulad na ginagawa nina Trillanes at Senator Alan Peter Cayetano na bagsak ang popularity ratings kahit na nag-iingay sa pamamagitan nang pagdurog kay Binay.

ACIRC

ANG

KAPIHAN FORUM

LIABILITIES AND NET WORTH

QUEZON CITY

QUICHO

REPUBLIC ACT NO

RICO QUICHO

SENADOR ANTONIO TRILLANES

SENATOR ALAN PETER CAYETANO

TRILLANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with