Trader na pumatay sa magkapatid kulong ng habambuhay

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Calamba City Regional Trial Court ang isang 63-anyos na negosyante na makulong ng  habambuhay matapos mapatunayan na nagkasala ng pagpatay sa isang magkapatid na lalaki na  may 12 taong na ang  nakakaraan habang nakakulong ito sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil  sa iba pa nitong kaso.

Ang akusado na binasahan ng hatol sa court room ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa ay kinilalang si Joe Ma. Panlilio, ng Bulacan.

Base sa 48 pahinang desisyon ni Judge Luis Acosta, ng Calamba RTC, Branch  36, reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol kay Panlilio dahil  sa kasong robbery with homicide at walang ding iginawad na pagkakataon na bigyan ito ng parole.

Sa rekord ng korte, si Panlilio ay siyang itinuturong pumatay sa magkapatid na sina Albert at Ariel De Castro,  na ang mga bangkay ay itinapon sa Barangay Makiling, Calamba, Laguna noong 2003 na nawawala ang dalang pera matapos nakawin ito ni Panlilio.

Show comments