Ex-cop nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines – Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili ang isang retiradong pulis sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Kaytapos, Indang, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Isaias Lontoc, 53, may-asawa, at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ng misis nito na si Leonila Lontoc ang kanyang mister na duguan habang nakaupo sa sahig ng kanilang bahay.

Sa pahayag ng misis ng biktima, bago ang insidente, alas-7:00 ng umaga ay nagpaalam ang ginang sa mister na ihahatid sa eskwelahan ang kanilang anak.

Makalipas ang may 15 minuto ay bumalik si Gng. Lontoc sa bahay at dito niya nakita ang asawa na duguan at wala ng buhay.

Nabatid na may ilang araw na din umanong napapansin ng misis ang pagiging balisa ng kanyang mister at hindi umano ito nakakatulog nang maa­yos.

Show comments