^

Police Metro

P10 roll back sa pamasahe sa taxi epektibo pa rin

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nanatiling epektibo ang pinapatupad na P10 roll back sa pamasahe sa mga taxi sa buong kapulungan, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon.

Sa kanilang twitter account, iginiit ng LTFRB na mananatiling may bawas na P10 ang dapat na ibayad ng mga pasahero ng taksi at ito ay dapat ibigay ng mga driver.

Kailangan lamang na humingi ng resibo ang pasahero para maipakita ang dapat bayaran o kung ibinalik ba ang P10 diskwento base sa umiiral na regulasyon.

Samantala, sa kabila ng ipinatupad na regulas­yon, marami pa rin sa mga pasahero ang hindi naniniwalang ipinapatupad ito dahil na rin sa kawalan ng sistema sa roll back.

Hindi naman ipinapatupad ng karamihang taxi driver ang roll back dahil P40 pa rin ang flag down na sini­singil sa pasahero.

Nahihirapan din ang mga pasahero dahil kadalasan ay galit pa ang mga taxi driver at hindi makapagbigay ng resibo kapag iniuungkat ang roll back na P10.

Gayon pa man, hi­ling ng mga commuter sa LTFRB na aksyunan ang nasabing problema dahil hayagang paglapastangan ng mga taxi na karamihan ay hindi sumusunod sa P10 roll back.

ACIRC

ANG

BACK

GAYON

KAILANGAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MGA

NAHIHIRAPAN

NANATILING

P10

SAMANTALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with