^

Police Metro

Drug test sa bus drivers palakasin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang malalagim na sakuna sa lansangan ay  panahon na umano para paigtingin pa ng mga bus operators ang pagsasailalim sa drug test sa kanilang mga driver.

Ito ang iminungkahi kahapon ni Supt. Leo Suan, Chief of Staff ng  PNP-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Force (PNP-AIDSOTF) kasunod ng malagim na sakuna na kinasangkutan ng Valisno Bus Express noong Miyerkules na ikinasawi ng apat katao habang 18 pa ang nasugatan sa Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na lango sa droga ang driver  ng Valisno Bus  na si George Pacis, 35-anyos nang mangyari ang sakuna sa Brgy. Lagro sa hangganan ng Quezon City at Caloocan City.

Anya, kailangan nang higpitan ng mga operators ng mga kumpanya ng bus ang pagbabantay sa posibleng paggamit ng illegal na droga ng kanilang mga empleyado lalo na ang kanilang mga drivers.

Iginiit ni Suan na  dapat ng isalang sa regular drug test ang mga bus drivers upang maiwasan ang malalagim na trahedya tulad ng kinasangkutan ng Valisno bus  na nagpositibo sa paggamit ng droga ang naarestong driver.

Partikular na dito  ang mga bumibiyahe sa gabi at sa mga probinsiya kung saan ginagawang  panlaban sa antok at pagod ng mga tiwaling driver ang paggamit ng droga.

ANG

CALOOCAN CITY

CHIEF OF STAFF

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

GEORGE PACIS

LEO SUAN

MGA

NBSP

QUEZON CITY

VALISNO BUS

VALISNO BUS EXPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with