MANILA, Philippines - Magsisimula na sa Linggo (Agosto 16) ang paggamit ng unified stored value beep card sa line 1 at line 2 ng Light Rail Transit (LRT).
Ito ang inihayag kahapon ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na tiyak na magbibigay ng ginhawa sa mga pasahero ng LRT-1 at LRT-2 dahil hindi na pipila pa ang mga ito sa tuwing sasakay ng tren.
Puspusan ang isinasagawang public trial tulad ng pagbebenta, paglo-load at paggamit ng mga bagong beep card tickets sa lahat ng istasyon ng LRT upang maisaayos ang ilang makikitang problema.
Inihinto na rin ng LRTA ang pagbebenta ng magnetic stored value tickets sa Line 2 ng LRT bilang bahagi ng bagong sistemang ipapatupad.