MANILA, Philippines - Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bawal kainin ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa limang lalawigan dahil mataas pa rin sa toxicity level ng lason ng red tide sa mga baybayin ng Balite bay sa Mati, Davao Oriental, Dauis, Bohol, Irong Irong bay, Cambatutay bay sa Western Samar at Milagros, Masbate.
Maaari namang kainin ang isda, pusit, alimango at hipon bastat lilinising mabuti bago lutuin.
Ligtas naman kainin ang shellfish mula sa ibang bahagi ng bansa partikular sa Manila bay.