Comelec field officials papalitan

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng balasahan sa hanay ng mga  field officials ng Commission on Elections (Comelec) bilang paghahanda sa  May 2016 elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez kabilang sa mga maapektuhan ng balasahan ay ang Regional Election Directors (REDs), Provincial Election Supervisors (PES), at city/municipal Election Officers (EOs) na bahagi lamang ng  standard  preparation ng Comelec kung saan nagkakaroon ng evaluation at nire-reshuffle kung kinakailangan.

Layunin ng balasahan na maiwasan na  ma­ging pamilyar sa isa’t isa ang Comelec official, empleyado at mga kandidato sa susunod na halalan.

Lumilitaw sa Co­melec Employees Union, na umaabot sa 16 REDs, 80 PES, at 1,500 EOs  mayroon sa buong bansa.

Gayunman ang balasahan ay depende sa magi­ging desisyon ng Comelec en banc.

 

Show comments