^

Police Metro

3 wanted, 1 tulak arestado

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kalaboso ang tatlong wanted sa kasong kriminal at isang drug pusher matapos masakote ng pulisya sa inilatag na Oplan Lambat/Sibat at Oplan Salubong Madaanan sa mga Brgy. Santol, Brgy. Wawa at sa Brgy. San Juan sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon. Kinilala ang mga suspek na sina Jenny Olivas, 46; Rommel Araquel, 30, kapwa nakatira sa Northville 6, Brgy. Santol; Edralyn Paed, 42, ng Brgy. Tuktukan sa bayan ng Guiguinto; at si Anna Carina Reyes, 38, ng A. Mabini Street, Barangay Juan Luna, Caloocan City.

Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Voltaire Rivera inaresto si Olivas sa Brgy. Santol dahil sa inisyung warrant of arrest ni Judge Guillermo Agloro ng Regional Trial Court Branch 83 sa Malolos City sa kasong qualified theft.

Nasakote naman si Araquel sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime Samonte ng RTC Branch 21 sa Malolos City sa kasong frustrated murder habang si Paed naman ay inaresto sa Brgy. Wawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Myrna Lagrosa ng MTC Balagtas sa kasong estafa.

Samanatala, si Reyes naman ay inaresto matapos makumpiskahan ng 3-plastic sachet ng shabu sa PNP checkpoint sa Macarthur Highway, Brgy. San Juan.

 

ANNA CARINA REYES

BALAGTAS

BARANGAY JUAN LUNA

BRGY

CALOOCAN CITY

CHIEF INSP

EDRALYN PAED

JENNY OLIVAS

JUDGE GUILLERMO AGLORO

MALOLOS CITY

SAN JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with