Guwardiya utas, trader sugatan sa holdap

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang security guard habang nasugatan isang trader nang pagbabarilin ng isa sa dalawang holdaper na naganap kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Aludio Poliran, 52, at residente sa Bagong Silang Caloocan City at ang nasugatan ay si Enrico Lim, 38, may-asawa, trader ng Barangay San Antonio sa lungsod.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek na armado ng M-16 rifle baby armalite at .9mm pistola.

Batay sa ulat, alas-3:50 ng madaling araw sa harap ng E-Games na matatagpuan sa no. 108 Quezon Avenue, kanto ng Dr. Garcia Brgy. Paligsahan ay lumabas si Lim at pasakay ng kanyang kulay pu­ting Toyota Land Cruiser (PEI-116) model 2010 nang biglang sumulpot ang sasakyan ng mga suspek.

Lumabas ang dalawang suspek sa kanilang sasakyan at tinutukan si Lim at sumakay sa sasakyan nito.

Nanlaban at ang biktima at nagtatakbo papasok sa nasabing establi­s­yimento na binabantayan ni Poliran.

Nang akmang hahabol ang mga suspek ay  sinita sila ni Poliran kayat binaril siya ma­ging si Lim.

Nang bumulagta ang mga biktima ay tinangay ng mga suspek ang sasakyan ni Lim.

Nasawi noon din si Poliran habang nasu­gatan si Lim na isinugod sa Capitol Medical Center.

Show comments