MANILA, Philippines – Matapos ibasura ang motion for reconsideration na inihain ng Chinese gambling lord na si Wang Bo ay pinade-deport na ito ni Justice Secretary Leila de Lima.
Nakasaad sa resolution na may petsang Agosto 4, tinukoy ni De Lima na wala siyang nakitang sapat na batayan sa apela ni Wang para baligtarin ang kanyang June 8, 2015 resolution na nagsasabing sapat na ang mga dokumentong iprinisinta ng Chinese embassy para pagbatayan ng deportation ni Wang.
Kinonsidera ng DOJ ang pagkansela ng Peoples Republic of China sa pasaporte ni Wang at ang findings ng NBI sa alegasyon na sangkot si Wang sa isyu ng suhulan sa Kongreso para paboran ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law gayung walang makitang ebidensya na magpapatunay na pinondohan ni Wang ang pagsusulong ng BBL.