^

Police Metro

Kris Aquino nagparehistro sa Comelec, Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Personal na nagtungo sa opisina ng Comelec sa Quezon City ang bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino kahapon para magparehistro bilang lehitimong botante.

Si Kris na dalawang taon nang naninirahan sa Barangay Bagumbayan sa Quezon City ay nagtungo sa Comelec office para makaboto sa nalalapit na national elections sa Mayo 2016.

Dating botante ng Makati City ang nasabing aktress kung saan nanirahan subalit dahil sa mas madalas itong nasa QC kaugnay sa kanyang trabaho ay nagpasya itong magparehistro sa nasabing opisina ng Comelec.

Sa pagharap sa media, sinabi ni Kris na wala siyang balak na tumakbo sa 2016 national elections dahil na rin sa rami ng produktong kanyang iniindorso.

Sinabi rin nito na kung hindi siya susuporta sa inindorso ng kapatid ay mabuting tumahimik na lang siya.

Kaugnay naman sa isyu ng pambabatikos ni Vice President Jejomar Binay laban sa admi­nistrasyon ng kanyang kapatid, sinabi ni Kris na nanatili pa rin ang pagkakaibigan nila ng mga anak nitong si suspended Makati Mayor Junjun Binay at ni Ann Binay.

Giit ng actress host na hindi anya maaring maging balat sibuyas sa politika at napag-usapan na nila ito ng anak ni Vice President Binay at nagkakaunawaan naman sila.

Nasasaktan din siya kapag binabatikos ang kanyang kapatid, gayundin naman kapag sila ang inaatake pero naniniwala ang aktres na mananatili ang kanilang pagkakaibigan.

Ganap na alas-12 ng tanghali nang matapos ang pagpaparehistro ng aktress kasabay ng pagdagsa ng mga nagpaparehistrong mga residente.

ANG

ANN BINAY

BARANGAY BAGUMBAYAN

COMELEC

KRIS AQUINO

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

QUEZON CITY

SI KRIS

VICE PRESIDENT BINAY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with