MANILA, Philippines – Nasa 100 nanay ang magtutungo sa Quezon City General Hospital (QCGH) sa August 5 upang mag- donate ng kanilang gatas para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga sanggol.
Ang proyekto ay tinawag na “Alay na Gatas Ko, Sagip sa Buhay Mo,” bilang selebrasyon ng lungsod sa pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month.
Ang nasabing okasyon ay pangungunahan nina QC Mayor Herbert M. Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte at ang mga opisyal ng lungsod na gaganapin sa ika-5th floor SB Hall ng ospital ganap na alas-8:00 ng umaga.
Bukod sa milk donating activity pagkakalooban din ng mga breast pumps ang pitong QC Health Department Lying-In Clinics upang ma-enganyo ang mga breastfeeding mothers na mag-donate ng kanilang gatas para maipagkaloob naman sa mga sanggol na kailangan ito laluna yaong mga nasa kritikal na kundisyon.