MANILA, Philippines – Malapitang binaril ang isang pulis ng hindi pa kilalang gunman malapit sa kanyang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na agad namatay ay kinilalang si SPO1 Armando Garcia, 43, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 1, Caloocan City Police, residente ng Barangay 142, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi malapit sa bahay ng biktima sa panulukan ng Panday Pira at
Tirona Sts., Barangay 166, Bagong Barrio ay nakatayo ang biktima nang lapitan ng suspek, na nakasuot ng kulay berdeng baseball cup at may dalang shoulder bag na kulay itim.
Kinuha ng suspek ang baril sa kanyang bag at malapitang pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Nang masiguro ng suspek na patay na ang biktima ay tumakas ito sakay ng isang kulay itim na motorsiklo na hindi naplakahan.
Inaalam ng pulisya kung nakuhanan ng CCTV na nakakabit sa lugar ang insidente.