Pamilya ng pinatay na dalaga sa Zambales, humihingi ng hustisya

MANILA, Philippines - Nananawagan ang ama ng pinatay at sinunog na si Aica De Dios Mojica, 23-anyos kay Department of Justice Secretary Laila Delima upang kanilang makamit ang hustisya.

Ayon sa ama ng biktima na si Joey, humihingi siya ng tulong kay Secretary De Lima dahil ang nasabing warrant of arrest na ipinalabas ni Regional Trial Court-Branch 71 Judge Consuelo Amog-Bocar ay hindi iniintindi at binabalewala lamang umano ng Estados Unidos matapos tumakas at nagtago ang pangunahing suspek na si Jonathan Dwayne Viane gayundin?sa kasabwat nitong si Niño Dela Cruz.

Kahit anya naipadala na ang warrant of arrest sa US ay kinakailangan na magkaroon pa rin ng  koordinasyon si De Lima sa Amerika upang hindi mabalewala ang warrant of arrest nito.

Nanawagan?din?ang  tatay?sa?key?witness na itinago sa pangalang Claire na tumulong nang lubusan upang makamit agad ang hustisya.

Show comments