Bagets bigo sa pag-ibig, nagbigti

MANILA, Philippines - Hindi umano matanggap ng isang 17-anyos na binatilyo ang kabiguan niya sa pag-ibig kaya’t nagawa nitong magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa silid ng kanyang bahay sa Brgy. Mampayag, Manolo Fortich,Bukidnon kamakalawa.

 Ang nasawi ay kinilalang si Jomar Jurayan, pastol sa TG Breeding Farm na pag-aari ni Stephen Tan at residente ng Brgy. Lindaban ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, bago natagpuang nakabigti ang biktima sa kuwarto ng tinutuluyang farm dakong alas-5:50 ng umaga ay napag-alaman na hindi nito nakayanan ang depresyon nang mabigo sa iniluluhog na pag-ibig sa kaniyang dalagang nililigawan na hindi nabanggit ang pangalan.

Show comments