^

Police Metro

May-ari ng eye clinics pumalag sa Philhealth

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumalag ang mga eye clinics kabilang ang Quezon City Eye Center (QCEC) dahil sa sobra-sobra ang pinalalabas ng Philhealth na kanilang sinisingil sa mga ginawang cataract surgery procedures para  lang iligaw ang publiko.

Ito ang naging pahayag sa media ni Dr. Raymond Evangelista matapos ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee at ang mga dokumento anya ang magpapatunay na mali ang akusasyon ng Philheath.

Handa itong ipasa ang lahat ng kanilang financial documents kabilang ang mga records sa pagbabayad nila ng buwis sa Bureau of Internal Revenue na nagpapakita ng actual amount na tinanggap nilang bayad mula sa Philhealth.

May malaki din anyang pagkakaiba ng halos P 46 milyon na sinasabi ng Philhealth na kanilang natatanggap na tila  mali sa ipinalabas na figures na hindi nila alam kung nagkamali lang o sinadya umano ng nasa loob ng Philhealth.

Aniya, maging ang figures na sinasabi ng Philhealth sa Senate hearing para sa Pacific Eye Center ay sobra ng P 62 milyon.

Nababahala siya sa libu-libong cataract patients na karamihan ay senior citizen na automatic co­vered ng Philhealth na mahihirapan makahanap ng eye clinic para sa kanilang libreng cataract surgery dahil walang ibang magagawa ang mga eye clinics tulad ng QCEC kundi ihinto ang pagtanggap sa mga Philhealth members matapos ipitin ng Philhealth ang pagbabayad sa kanila.

 

 

ACIRC

ANG

ANIYA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DR. RAYMOND EVANGELISTA

HANDA

ITO

PACIFIC EYE CENTER

PHILHEALTH

QUEZON CITY EYE CENTER

SENATE BLUE RIBBON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with