Sundalo gutay sa granada ng NPA

MANILA, Philippines - Patay ang isang sundalo habang malubhang nasugatan ang isang kasama nito nang sumabog ang isang granada na nakasiksik sa isang sako na may tatak ng pagbati ng New People’s Army (NPA) 46th anniversary kahapon ng umaga sa  Barangay Poblacion, T’boli,  South Cotabato.

Hindi muna ibinigay ang pangalan ng dalawang sundalo na mga miyembro ng Spring Detachment dahil kailangan munang impormahan ang mga kaanak nito.

Sa ulat ni 1002nd Infantry Brigade public affairs officer Capt. Rey Balibagoso, dakong alas- 6:45 ng umaga ay nagpapatrulya sa kahabaan ng kalsada ng nasabing barangay nang maispatan ang sako ng mga rebelde na may nakalagay na pagbati sa kanilang anibersaryo

Nang galawin ito ng mga biktima, bigla na lamang itong sumambulat na agad na ikinasawi ng isa sa mga biktima at malubhang nakasugat sa isa pa.

 

Show comments