‘No Plate, No Travel Policy’ ipatutupad ng DOTC… mga bagong sasakyang walang plaka, huhulihin sa Abril 1
MANILA, Philippines - Mahigpit na ipapatupad ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang ‘No Registration, No Travel Policy’ sa lahat ng motorista simula sa Miyerkules (Abril 1).
Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, inimpormahan na niya ang lahat ng traffic law enforcement sa bansa na istriktong ipatupad ang bagong policy para sa lahat ng four-wheeled motor vehicles sa bansa.
Sinabi ni Abaya, ang isang bagong sasakyan ay dapat sa loob lamang ng isang linggo ay may registration na at pitong araw lamang bibigyan ng exception upang hindi pigilin at arestuhin ang driver nito.
“We held back from implementing this rule before, because the lack of license plates was our responsibility. But now that we have been able to issue new license plates within 7 days from start of registration, we have no more reason not to implement the law,” paliwanag pa ni Abaya.
Lahat ng hindi susunod sa bagong policy ng DOTC ay pagmumultahin ng P10,000 habang ang driver nito ay pagbabayarin ng P1,000.
Sa mga sasakayan naman na wala pang plaka na masisita ng mga awtoridad ay kailangan magprisinta ng kanyang official receipt at Certificate of Registration (OR-CR) upang makaiwas sa abala at multa.
Ang driver naman ng bagong sasakyan na walang maipakitang OR-CR ay pagmumultahin ng P5,000.
- Latest