Ilang bahagi ng M. Manila nakaranas ng brownout
MANILA, Philippines - Nakaranas ng aabot sa walong oras na brownout ang ilang bahagi ng Metro Manila kahapon at muling mararanasan ngayong araw dahil sa pagkukumpuni ng power lines ng Meralco.
Ito ay batay sa magkakahiwalay na advisory ng Meralco sa kanilang Twitter account.
Sa iskedyul ng power interruption sa Parañaque City na 5 oras ang naranasan na brown out kahapon ng alas-11:00 Lunes ng gabi hanggang alas-4:00 Martes ng madaling araw
bahagi ng Quirino Avenue;Bayview Garden Homes; Villa Carolina Townhomes; Jose Abad Santos; Clipper Avenue; Librada Avelino; Katigbak Drive; Bayview Drive sa Barangay Tambo; bahagi ng NAIA Road mula Quirino Avenue hanggang CAVITEX kabilang ang Los Tamaraos Village; bahagi ng CAVITEX mula NAIA Road kabilang ang Marina Bay Resorts, Marina Baytown East, Marina Baytown South, Sentosa Condominiums, Palm Coast Marina Bayside Residences, Mandara Waterfront Residences at Marina Bayhomes at walong oras naman mula kahapon ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 Martes ng umaga ang bahagi ng T. Alonzo Street.
Kalahating oras naman mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:30 ng umaga at mula alas-1:30 ng hapon hanggang alas-2:00 ng hapon ng Lunes ang bahagi ng NAIA Road at Quirino Avenue sa Pasay City; bahagi ng Quirino Avenue mula NAIA Road hanggang Bayside Court St. kabilang ang Riverview Compound, Riverside at M. Delos Santos streets sa Barangay Tambo.
Nasa limang oras naman mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon kahapon ang bahagi ng NAIA Road sa Pasay City.
Pitong oras naman mula alas-11:00 ng gabi noong Lunes hanggang alas-6:00 Martes ng umaga ang bahagi ng Urbano Velasco at Salandanan Streets sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Sa Makati City ay 7 oras mula alas-9:00 Lunes ng umaga hanggang alas-4:00 Lunes ng hapon ang bahagi ng Aranga, Mayapis, Sampaloc, Camachile, St. Paul, Bakawan streets sa Barangay San Antonio.
Habang sa Las Piñas City ay pitong oras mula alas-8:00 Lunes ng umaga hanggang alas-3:00 Lunes ng hapon sa bahagi ng Libra st. sa Pamplona Park Subdivision, Barangay Pamplona II.
- Latest