Killer ng hepe dedo sa shootout

MANILA, Philippines – Napatay ng mga otoridad sa isang shootout kamakalawa sa Silang, Cavite ang isang lalaki na sangkot sa pagpatay sa hepe ng pulisya sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) may dalawang buwan na ang nakakalipas.

Ang suspek na napatay ay kinilalang si Amiel Cabacaba alyas Waway, ng Sitio Malipa, Brgy. Maguyam, Silang.

Batay sa ulat, dakong ala-1:20 ng hapon ay sinalakay ng mga otoridad ang kuta ng suspek upang isilbi ang warrant of arrest.

Nakatunog ang suspek sa pagdating na mga otoridad kaya’t pinaputukan niya ito habang siya’y tumatakas.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at napatay ang suspek na si Cabacaba na siyang nakapatay noong Enero 14 sa hepe ng pulisya ng GMA na si P/Senior Inspector Leo Angelo Llacer na matapos na sumama ito sa police operation.

Show comments