^

Police Metro

Ratings ni P-Noy sumadsad sa pinakamababa

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sumadsad sa pinakamababa ang approval at trust ratings ni Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng madugong ope­rasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Marso 1 hanggang 7 kung kailan mainit na isyu ang naging sagupaan ng PNP-SAF at Moro Islamic Liberation Front (MILF), natikman ni P-Noy sa unang pagkakataon ang non-majority national approval at trust ratings mula nang mahalal noong 2010.

Naitala ang approval ratings ni PNoy sa 38% mula sa 59% sa survey noong Nobyembre 2014.Nasa 39% naman ang undecided sa performance ratings nito samantalang 23% ang hindi kuntento.Ang trust ratings naman ni P-Noy, bumagsak sa 36% mula sa dating 56%.

Naitala ang 37% na undecided at 27% ang walang tiwala rito. Kabuuang 1,200 representative adults ang lumahok sa pinakahuling survey.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersya si P-Noy dahil sa hindi umano pag-ako ng responsibilidad sa operasyon sa kabila ng pagiging commander-in-chief.

KABUUANG

MAMASAPANO

MARSO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NAITALA

P-NOY

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with