^

Police Metro

Ref magnets at cord holders ng gadgets may lason

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbabala ang grupong Ecowaste Coalition na nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan at kaligtasan ng mamamayan ang mga magnets na inilalagay sa mga refrigerator at mga cord holders sa mga e-gadgets.

Ito ay matapos nilang matuklasan ang makintab na hayop na magnet sa mga ref at mga palawit na cartoon sa mga gadget ay positibo sa lead content, isang toxic chemical na idinadagdag sa ilang pintura at polyvinyl chloride (PVC) plastic.??

Ang babala ng grupo ay may kaugnayan ng pangdaigdigang pag-obserba sa World Consumer Rights Day kahapon na inilathala para itaguyod ang kaalaman ng publiko sa mga impormasyon ng mga produkto at kaligtasan.

Nakabili ang grupo ng anim na samples ng ref magnet na halagang P10 bawat isa at 15 samples ng cord holders na halagang P35 bawat isa mula sa mga street vendors sa Divisoria, Maynila at isinagawa ang screening para sa toxic metals. 

Gamit ang isang portable X-Ray Fluorescence (XRF) device, nabatid na ang lahat ng samples na napipinturahang hayop na ref magnet ay positibo sa lead na aabot sa 18,100 ppm, mas mataas sa 90 ppm limit para sa lead ng mga may pinturang dinedekorasyon.

Na-detect din ang lead na aabot sa 5,616 sa lahat, pero isa sa 15 samples ng PVC cord holders.

DIVISORIA

ECOWASTE COALITION

GAMIT

MAYNILA

NAGBABALA

NAKABILI

WORLD CONSUMER RIGHTS DAY

X-RAY FLUORESCENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with