^

Police Metro

55 bagong van ibinigay sa PNP

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang pag-turnover ng 55 bagong Toyota High-ace Vans sa Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kanilang capability enhancement program na ipapamahagi sa lahat ng units ng PNP sa buong bansa.

Ayon kay Roxas, ibabahagi sa mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang karamihan sa mga van dahil pangunahin nilang kailangan ang sasakyan tuwing may mga operasyon.

Ayon sa PNP, magiging malaki ang tulong ng sasakyan sa mga pulis lalo na sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, sa kanilang pagpunta sa iba’t ibang lugar, at sa agarang pagresponde sa mga insidenteng nangyayari sa buong bansa.

Bukod sa SOCO, makakatanggap din ng mga sasakyan ang mga direktor sa National Headquarters, pati ang mga national support units gaya ng Anti-Kidnapping Group (AKG), Anti-Cybercrime Group (ACG), Aviation Security Group (ASG), Crime Laboratory Group (CLG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nasa post-qualification stage na rin ang 1,470 bagong patrol jeepneys na nakatakdang idagdag ni Roxas sa mga sasakyang matatanggap ng buong PNP mula sa pamahalaan.

ANTI-CYBERCRIME GROUP

ANTI-KIDNAPPING GROUP

AVIATION SECURITY GROUP

AYON

CRIME LABORATORY GROUP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

NATIONAL HEADQUARTERS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with