Dalagita ni-rape/slay

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na dalagita na pinaniniwalang ginahasa muna bago pinatay ang natagpuang palutang-lutang sa ilog kahapon ng umaga sa Brgy. Marulas, Kawit, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Marinel Largo, residente ng Sitio Aroma, Brgy. Marulas ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima sa ilog malapit sa exit gate ng Cavitex sa nasabing barangay.

Tinutugis naman ang suspek na kinilalang si Dan Rex Enriquez, nakatira sa Brgy. Ligtong, Rosario na huli umanong nakainuman ng biktima sa isang party. Malaki ang hinala ng pulisya na matapos ang party ay lasing na  umuwi ang biktima at sinundan ng suspek at ginahasa bago pinatay.

 

Show comments