2 sundalo utas sa NPA ambush

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang sundalong miyembro ng Peace and Development Team nang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa naganap na ambush kamakalawa sa liblib na lugar sa bayan ng Lapaz, Agusan del Sur.

Nasawi noon din ang mga biktima na kinila­lang sina Pfc Rene Lantaga at Pfc Vic Aron dahil sa dami ng tinamong tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Natukoy naman na ang Guerilla Front Committee 88 ng NPA North Eastern Mindanao Regional Command ang nasa likod ng madugong pananambang.

Batay sa ulat, ni 1st Lt. Krisnen Peter Sarsagat, Civil Military Operations Officer ng Army’s 26th Infantry Battalion (IB), dakong alas-8:20 ng umaga ay nakasibil­yan at hindi armado ang dalawang sundalo na lulan ng motorsiklo para kunin ang kanilang subsistence allowance ng ito ay pagbabarilin sa Brgy. San Patricio, ng nasabing bayan.

Show comments