Klinika ipapasara doktor binaril ang sarili

MANILA, Philippines - Nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ng matagpuan ang isang 36-anyos na doktor nang barilin ang kanyang puso sa loob ng kanilang bahay, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Raymond Pamintuan, binata, doctor of medicine (general practice), may record ito na nagsilbi sa clinic ng Perpetual Help Hospital at may clinic din umano sa Greenhills, San Juan, Metro Manila at residente ng no. 832 Sisa st., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 9:00 ng gabi nang madiskubreng patay ang biktima sa CR, na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Pinilit umano ni Maricar Andaya, 19, kasambahay ng biktima na buksan ang pintuan ng CR ngunit laking gulat nito ng makitang nakabulagta dahil sa tama ng baril sa puso nito.

Una rito, ang biktima umano ay umuwi ng bahay alas-2:00 ng hapon at dumiretso sa kaniyang silid at hindi na nakita pang lumabas.

Ang biktima umano ay may problema sa inilabas na suspension order o pagpapasara ng kaniyang klinika sa Greenhills, San Juan, sa loob ng 90-araw.

Show comments