Bail petition ng 11 akusado sa Maguindanao massacre, ibinasura

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Quezon City RTC ang petisyon ng 11 sa 12 akusado ng Maguindanao massacre case na makapagpiyansa matapos makakita ng probable cause ang korte na nagdidiin sa mga ito sa kasong pagpatay.

Batay sa 11-pahinang omnibus order na ipinalabas ni QC RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes hindi inaprubahan ang bail petitions ng mga akusadong sina  Armando Ambalgan; Misuari Sinsuat Ampatuan; Modades Ampatuan; Salik Bangkulat; Taya Bangkulat; Macton Bilungan; Mohamad Datumanong; Moactur Daud; Nasser Esmael; Sonny Pindi; at Salipada Tampogao.

Gayunman, inaprubahan naman ni Reyes na makapagpiyansa ang pang 12 akusadong si Datutuhon Esmael makaraang hindi ito kilalanin ng 14 na saksi sa krimen na isa siya sa nasa likod ng naturang masaker at pinayagan na makapag piyansa ng halagang P200,000 sa kada bilang ng kanyang kasong  58 counts ng  murder.

Show comments