3 JI terrorist naispatan kasama ang ASG sa Sulu

MANILA, Philippines - Naispatan ng assault team ng Army troopers ang tatlong Malaysian Jemaah Islamiyah na umaayuda sa mga bandidong Abu Sayyaf Group kaugnay ng inilunsad na all out offensive ng militar sa Sulu.

Ayon kay Captain Rowena Muyuela, Spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command, nakarating na sa kanilang tanggapan ang report mula sa ground troops mula sa Sulu.

Kahapon, dakong alas-9:15 ng umaga ay muling nakasagupa ng 14th Scout Ranger Company  (src) ang grupo ni Abu Sayyaf Sub-Commander Sawadjaan sa Sitio Kanjimaw, Brgy. Tugas, Patikul, Sulu na tumagal ng mahigit 15 minuto at nadagdagan ang bilang ng mga nalagas sa mga bandido.

Kasalukuyan na beneberipika ang napaulat na nasugatan si Sawadjaan na umabot na ang nasawi sa 16 kabilang ang dalawang sundalo.

Show comments