Nang-asar kay lolo utas

MANILA, Philippines - Dahil na rin sa walang tigil na pambu-bully, isang  sidecar boy ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang 66-anyos na lolo kamakalawa ng hapon sa Port Area, Manila.

 Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Toto Villamor, 29  ng  1174 1st St. Port Area habang agad namang nadakip ang  suspek na si Vicente Amparado. Ang  biktima at suspek ay  kapwa sidecar boy sa Port Area, Manila.

 Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section bandang 5:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Roberto Oca St. sa Port Area.

Hindi na umano natiis ng  suspek ang ginagawang pambu-bully ng biktima kaya’t  pinagsasaksak na  lamang niya ang huli nang magkrus ang kanilang landas.

 Naaktuhan naman ni SPO1  Gener Reyes ang pananaksak ng   suspek  kaya’t agad niya itong dinakip.

Show comments