^

Police Metro

Biyahe ng MRT hindi na normal

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naitala na naman ang panibagong aberya sa biyahe ng MRT kahapon.

Ito ang sinabi ni MRT-3 General Manager Roman Buenafe nang muling nagkaroon ng aberya ng alas-5:50 ng umaga kahapon makaraang magpahinto-hinto ang  power supply sa isang tren ng MRT sa Taft Avenue Station.

Dahil sa nangyari ay napilitan ang operator na ibalik na lamang sa kanilang depo o garahe sa Nort Avenue ang  tren na nagkaroon ng ‘power failure’.

Ayon pa kay Buanafe, hindi na normal ang ope­rasyon ngayon ng MRT dahil 12 tren na lamang ang nakakabiyahe araw-araw sa halip na 18 tren na nakasaad ng kontrata mula sa maintenance provider nito na Global APT.

Sinabi pa ni Buanafe na araw-araw din nilang pinapatawan ng penalty o multa ang Global APT dahil hindi nito nasusunod ang nakasaad sa pinirmahang kontrata mula sa Department of Transportation and Communication.

Magugunita na kamakalawa ay tatlong beses na nagkaaberya ang biyahe ng MRT nang biglang huminto ito dahil sa nanikit na preno ng tren at noong Lunes ay apat na beses itong nagkaaberya.- Mer Layson-

AYON

BUANAFE

DAHIL

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GENERAL MANAGER ROMAN BUENAFE

MER LAYSON

NORT AVENUE

TAFT AVENUE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with