Trike driver pinasabog ang ulo sa terminal

MANILA, Philippines – Sabog ang ulo ng isang 39-anyos na tricycle  driver nang ito ay barilin  ng hindi pa nakikilalang suspek habang nag-aabang ng pasahero kamakalawa ng gabi sa  Tondo, Maynila.

Nasawi noon din ang biktima dahil sa dalawang  tama ng bala na kinilalang si  Joselito San Diego, ng  Gabriela St., Dagupan, Tondo.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00  ng gabi ay kapaparada lang ng biktima sa tapat  ng isang tindahan sa Dagupan St., kanto ng Tayuman St., Tondo para mag-abang ng pasahero.

Ilang minuto ang lumipas ay sumulpot ang suspek mula sa likuran at walang kaabog-abog na binaril ng dalawang ulit sa ulo ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay sa biktima.

Show comments