HDO inilabas laban sa Masbate governor
MANILA, Philippines - Para hindi makalabas ng bansa matapos makitang malakas ang ebedensiya na nagdidiin sa kaso na may kinalaman sa pork barrel scam ay nagpalabas kahapon ang Sandiganbayan ng hold departure order laban kay Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete.
Si Lanete ay isa sa limang dating mambabatas na kabilang sa second batch ng solons na kinasuhan ng graft at plunder ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa pork barrel scam.
Sinasabing si Lanete ay tumanggap ng komisyon na umaabot sa P108.405 milyon mula sa kanyang pork barrel na ipinondo sa pekeng NGO ni Janet Napoles noong 2004 hanggang 2010.
Noong nakaraang linggo, inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa ng graft at plunder laban sa second batch ng mga mambabatas na si dating Rep. Lanete at apat na iba pa na sina dating APEC Party-list Rep. Edgar Valdez st dating Representatives Rodolfo Plaza ng Agusan del Sur, Samuel Dangwa ng Benguet at Constantino Jaraula ng Cagayan de Oro City dahil sa pork barrel scam.
- Latest