^

Police Metro

Binata tinodas ng pulis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 38-anyos na binata ang nasawi nang ito ay barilin ng isang pulis na kapwa may alitan sa isa’t isa nang magsalubong kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Nasawi noon din ang  biktima na kinilalang si Michell Abracia.

Tinutugis ng pulisya ang suspek na si PO2 Rolly Balde, nakatalaga sa Kabasalan Municipal Police Station.

Batay sa ulat, bandang alas-12:45 ng hapon ay nag­krus sa nasabing lugar ang landas ng suspek at biktima  na may alitan sa isa’t isa.

Agad binunot ng nasabing parak ang kaniyang service firearms at pinaputukan ang biktima nang sunud-sunod at namatay noon din sa insidente.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motor na walang plaka patungo sa hindi pa malamang destinasyon. - Joy Cantos-

vuukle comment

BATAY

BRGY

ISANG

JOY CANTOS

KABASALAN

KABASALAN MUNICIPAL POLICE STATION

MICHELL ABRACIA

ROLLY BALDE

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with