^

Police Metro

Lubog sa utang: 3 anak pinatay, mag-asawa nagpakamatay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng depresyon sa pagkakalubog sa utang na aabot sa milyong piso kung kaya’t nagawa ng isang mag-asawang Taiwanese national na patayin ang kanilang tatlong tinedyer na anak at pagkatapos ay  nagpakamatay din sila sa loob ng kanilang bahay sa San Juan City naganap kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Luis, 50; misis na si Roxanna 53, at kanilang mga anak na sina Amanda, 19; Jeffrey, 14 at John, 12 na pawang may apelyidong Hsieh at residente ng 13 G V 2, Midland Park Manor Condo, Ortigas Avenue, kanto ng Madison St., Barangay Greenhills, San Juan City.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mag-asawa at ng dalawang anak na lalaki sa master’s bedroom habang ang bangkay naman ni Amanda ay nasa loob ng kanyang kuwarto.

Malaki ang hinala ng pulisya na pinakain muna ng pagkaing may pampatulog ng mag-asawa ang kanilang mga anak, bago tinakluban ng plastic at tape sa kanilang mga mukha upang hindi makahinga at mamatay.

Nang maisagawa ang krimen ay saka nagpakamatay ang mag-asawa sa pamamagitan nang pagla­lagay ng supot sa kanilang mukha.

Walang nakita na may pumasok sa bahay ng pa­milya Hsieh at wala ring anumang sugat sa katawan ang mga biktima.

Dalawang suicide note ang iniwan na inilagay  sa tabi ng lababo sa kusina malapit sa kuwarto ng katulong, na si Livina Econia, 21, stay-in, na nagbibigay dito ng instruction na ibigay ang isang liham sa kaibigan nitong si Ama Grace, na isang doktora na kapitbahay rin ng mga biktima, habang ang isa pa ang para sa
administrator ng subdibisyon.

Nabatid na alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ng katulong ang sulat ngunit alas-9:00 ng umaga pa niya ito ibinigay sa mga kinauukulan batay na rin sa habilin ng amo.

Nang mabasa ng doktora ang liham ay kinila­butan ito at kaagad na nag­tungo sa tahanan at kasama ang katulong at dalawang pulis at kinatok ang kuwarto ng mga biktima.

Nang walang nagbubukas ng pinto ay sila na ang nagbukas at tumambad ang mga bangkay ng mag-anak.

Hinihiling rin ng mga biktima sa suicide note na ipa-cremate na lamang kaagad ang kanilang mga bangkay.

Sa salaysay ng mga katulong sa pulisya na wala naman silang nari­nig na anumang komosyon mula sa kuwarto ng mga
biktima mula gabi hanggang kahapon ng mada­ling araw.

Pero, sinabi nito na nag­luto umano ang ka­nilang among babae ng pagkain at binilinan silang huwag itong kainin dahil para ito sa kanilang mga anak.

Batay sa nakalap na  impormasyon ng pulisya na may problema sa negosyo ang pamilya na sinasabing  may pagkakautang na aabot sa milyong piso ang halaga bagamat kinukumpirma pa nila ito at iniimbestigahan. - Mer Layson-

 

vuukle comment

AMA GRACE

AMANDA

BARANGAY GREENHILLS

BATAY

KANILANG

NANG

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with