^

Police Metro

Tsismis lang ‘yan-AFP, PNP... walang planong kudeta

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi totoo o tsismis lamang umano ang  mga balita hinggil sa namumuong kudeta sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Phi­lippine National Police (PNP) upang ibagsak ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na tapat sa chain of command ang AFP at tuluy-tuloy ang  pagtupad nila sa kanilang mandato.

Sinabi naman ni PNP  Officer in Charge P/Deputy Director  Gene­ral Leonardo Espina sinabi nito na solido at buo ang PNP sa mandato ng Konstitusyon at binigyang diin nito na wala ring nangyayaring pagkakawatak-watak sa hanay ng PNP bunga ng nangyaring pagkasawi ng 44 SAF commandos.

Ang nasabing pahayag ng AFP at PNP ay matapos na  ibulgar ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon umanong namumuong kudeta na ilulunsad   ng mga opisyal ng PNP at AFP kung saan ang gagamiting isyu sa pang­hihikayat ng susuporta ay ang madugong bakbakan  sa pagkasawi ng 44 SAF commandos sa kamay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHARGE P

DEPUTY DIRECTOR

LEONARDO ESPINA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL POLICE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RESTITUTO PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with