No. 2 drug pusher tiklo sa P1.5 M shabu

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoridad ang isang notoryus na drug pusher sa Cebu City sa isang drug bust operation kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Richard Plando, 25, at no. 2 drug pusher sa lungsod na nakapagbebenta ng 200 gramo ng shabu kada linggo.

Batay sa ulat bandang alas-11:30 ng gabi  nang magsagawa ng operasyon ang Anti Illegal Drugs Special Operations Task Group ng Cebu City Police sa Brgy. Sawang Calero ng lungsod.

Isinailalim sa masusing surveillance operation ang  nasabing lugar matapos na isang tipster ang nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng suspek.

Nasamsam mula sa suspek ang isang 130 gramo ng shabu na aabot sa P1.5 milyon,  kemikal na gamit sa paggawa ng droga,  drug paraphernalias at  P2,000 cash na pinaniniwalaang kinita nito sa pagbebenta ng droga. - Joy Cantos-

 

Show comments