Pumalag sa mga parak… Tulak dedo, 2 tiklo

MANILA, Philippines - Patay ang isang umano’y notoryus at big time drug pusher habang dalawa naman ang inaresto matapos na lumaban sa pulisya ang mga ito sa isinagawang drug bust operation na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P1M shabu sa Panabo City, Davao del Norte kamakalawa.

Ang suspek na si Amel Saronay na idineklarang dead-on-arrival sa Rivera Hospital ay isang notoryus na big time drug pusher at nasa watchlist ng mga otoridad. Arestado naman sina Abel Amanola at Brian Billa.

Isinagawa ang ope­rasyon dakong alas-9:30 ng umaga  sa Purok Islam, Brgy. Gredu, Panabo City  laban kay Saronay, alinsunod sa search warrant na inisyu ng korte.

Nakumpiska rin sa operasyon ang 13 mala­laking plastic at 22 maliliit na sachet na naglalaman ng shabu na aabot sa P1M, isang .38 revolver, dalawang cal. 45 pistol, isang fragmentation grenade at cash.

Show comments