Sundalo patay sa NPA ambush

MANILA, Philippines - Isang sundalo ang nasawi habang isa pa ang  nasu­gatan nang pagbabarilin ng mga kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Purok Mangga, Brgy. Paquibato Proper, Paquibato District, Davao City kahapon ng umaga.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pangalan ng nasawing sundalo dahilan kailangan pang impormahan ang pamilya nito habang isinugod sa pagamutan ang nasugatan nitong kasamahan na si Corporal Franey Neyra.

Batay sa ulat na nakarating kay 1st Lt. Vergel Lacambra, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID), bandang alas-9:00 ng umaga ay sakay ang dalawang sundalo ng isang motorsiklo sa Paquibato District Hospital para sa kanilang medical check-up na lulan ng motorsiklo nang harangin at pagbabarilin ng mga rebelde.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na tinutugis na ng pulisya.- Joy Cantos-

Show comments