^

Police Metro

PNP-SAF chief sinibak sa Maguindanao clash

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinanggal bilang hepe ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) Commander si P/Director Getulio Napeñas dahil sa madugong bakbakan sa miyembro ng  mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kumitil ng buhay ng 44 na tauhan ng pulisya habang 12 pa ang nasugatan noong Enero 25 sa Maguindanao.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Ro­xas habang gumugulong pa ang imbestigasyon ng binuong Board of Inquiry sa nasabing trahedya.

Pinatawan ng admi­nistrative relief si Napeñas at pinalitan ng kanyang deputy na si Chief Supt. Noli Taliño.

Ayon pa kay Roxas na wala umanong clearance sa kanya at kay Phi­lippine National Police (PNP)  Officer in Charge Deputy Director General Leonardo Espina si Napeñas  nang isagawa ang  sumablay na ‘special operation’ ng PNP-SAF.

Magugunita na noong Enero 25 dakong alas-3:00 ng madaling araw ay  nagsagawa ng ope­rasyon ang PNP–SAF upang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest ang most wanted na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli Bin Hir alyas Marwan, Malaysian national na may patong sa ulong $5M at Basit Usman sa  Brgy. Tuka­nalipao, Mamasapano, Maguindanao pero matapos ang matagumpay na misyon sa pagkakabihag kay Marwan ay nakasagupa ng mga ito ang BIFF rebels.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BASIT USMAN

BOARD OF INQUIRY

CHARGE DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

CHIEF SUPT

DIRECTOR GETULIO

ENERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with