^

Police Metro

Sa pagkamatay ng 44 SAF... National Day of Mourning

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hiniling ng ilang kongresista  kay Pangulong Noynoy Aquino na magdeklara ng National Day of Mourning dahil sa pagkamatay ng 44  miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF)  mula sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay Panga­sinan Rep. Leopoldo Ba­taoil, ito ay para umano makapagdalamhati ang buong bansa at mga Pilipino kasama ang buong PNP sa pagdadalamhati.

Para naman kay  Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian, ito ang magsisilbing pagbibigay pugay at pinakamataas na parangal na maigagawad sa mga SAF na nagbuwis ng buhay sa gitna ng pagtupad ng tungkulin.

Ayon sa mga kongresista na napaka-ironic umano ng pangyayari sa Mamasapano massacre sa gitna pa ng umiiral na tigil putukan sa pagitan ng gobyerno at MILF at sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Kapag naideklara ang National Day of Mour­ning ay inilalagay sa half mast ang lahat ng bandila ng bansa sa mga tanggapan ng gobyerno.

Hinamon din ni  ACT CIS partylist Rep. Sa­muel Pagdilao ang lide­rato ng MILF na isuko o tulungan ang gobyerno sa pagtugis sa mga international terrorists na nagtatago sa kanilang kontroladong lugar sa Mindanao.

Nangako ang MILF sa pagtulong sa gobyerno, subalit nakakapagtaka umano kung bakit hanggang ngayon ay nasa lugar nito ang mga teroristang sina Basit Usman at Marwan.
Sa nasabing pangyayari ay nabasag din umano ang pagtitiwala na nabuo sa pagitan ng gobyerno at MILF sa panahong binubuo ang peace agreement dahil sa Mamasapano massacre.

Maibabalik umano ang tiwala na ito kung maisusuko ng MILF sa gobyerno ang mga international terrorists.

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BASIT USMAN

LEOPOLDO BA

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL DAY OF MOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with