Mag-asawa tinodas ng pasahero

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang mag-asawa nang sila ay barilin ng isang lalaki na nagpanggap na pasahero sa kanilang minamanehong tricycle kamakalawa ng gabi sa Cavite City, Cavite.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Joar Loanzon, 36, at Arlene Herrera, 40, kapwa nakatira sa Interior 3 Fernandez St. Barangay 14 Caridad, Cavite City.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang namamasada ang mag-asawa ng kanilang tricycle nang sumakay ang suspek sa Ronquillo Junction at nagpahatid sa San Antonio.

Pagsapit sa J. Felipe Boulevard ay bigla na lang silang pinagbabaril ng suspek na mabilis ding tumakas nang matiyak na patay na ang dalawa.

 

Show comments