Bagong laya, itinumba
MANILA, Philippines - Natagpuang patay sa loob ng nakaparadang tricycle ang isang lalaki na bagong laya mula sa Manila City Jail kahapon sa Tondo, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si PJ Maizano, 27, na kalalaya lang noong nakaraang linggo dahil umano sa kasong droga.
Batay sa ulat dakong alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng tricycle sa bakanteng lote ng riles sa PNR Compound sa panulukan ng Maria Guizon at Batangas Sts., Brgy. 228 Zone 21.
Bago natagpuang patay ang biktima bandang alas-2:30 ng madaling araw ay nakarinig ng putok ng baril ang ilang residente malapit sa lugar na pinagtagpuan ng bangkay ng biktima.
Kinaumagahan nang makita ang bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo.
- Latest